niko (6 posts so far) | | well, malapit na eleksyon...
gumawa na ba kayu ng listahan???
malamang marami sa atin na nagiisip na on the spot na lang magiisip kung sino ang iboboto, kasi di pa alam kung sino talaga ang iboboto tsaka nandun ang complete list for senatoriables! hehe, andres talaga!
pero anyway, ako meron ng top 3 candidate, and i just wanna share it with you!
my number one!
CHAVIT SINGSON!
diba astig?? bukod sa paratin syang nakaorange, aba diba napakabuti nyang tao???
walang kokontra, pero napaakabuti nya talaga... gusto nyo pruweba?? marami ako nyan...
1. mahal nya ang mga mahihirap! di nyo ba nakita? nung may hostage taking ng nusrseries, sure namang matatapos gaya ng pinagusapan nila hostage taker and bong revilla, pero at the last minute before the curtain closed, may pahabol effect and pasingit effect si chavit! diba ang tapang nya! isa syang hero! walang takot! (kahit na sure na napacified na ang hostage taker!), any way, after ng malaking exposure at pa-herong effect ni mr. chavit lahat ng mga bata doon ay nagkaroon ng pera, xempre courtesy of mr. chavit! diba ang bait nya at mahal nya mahihirap!
2. eto ang malupit, dito mapapatunayan kung bakit nya talaga mahal ang mahihirap! kasi lam nyo kung saan nanggagaling kung mga pinamimigay nyang pera? xempre saan pa? edi dun sa mga napanalunan nyang sugal sa jueteng, mga napanalong taya kay manny pooh-quiao at mga komisyon nya sa mga ilegal na gawain...
pero its the tought that counts naman daw eh, ang mahalaga, shinashare nya ang mga almost 10% ng kanyang nakaw yaman sa mga mahihirap, di tulad ng kumpare nya, na pinakulong nya dahil sa hindi sila nagkasundo sa makukuha nyang kommisyon,(kasi naman si erap hindi nilakihan ang porsyento ni chavit sa jueteng dati kaya yun tuloy pinakulong sya ni chavit!)
3. at ngayon hawak na ni chavit ang malaking porsyento sa jueteng, diba ang talino pa nya! dapat may senator tayong ganyan, sobrang mautak! binenta nya ang kanyang kaibigan for his sake, kaya no wonder ibbebenta nya tayo sa pangulo or worst ibebenta nya tayo sa ibang bansa, yung almost lahat ng kita ang kukuha eh yung ibang bansa at tayo minimal na kita lang or hindi na kasi lahat ng projects nasa ibang bansa na, and syempre may kickback si chavit doon, at syempre may ipapangtaya ulit sya sa nxt bout ni manny at may maipapamigay ulit syang pera sa mahihirap para sa next senatorial elections!
4. he is on the side of good! ay sorry on the side of power pla! pero anyway almost the same naman yun, kasi diba si arroyo is good in the history books today, kasi syempre sya ang nasa kapangyarihan at si chavit ay nakay gloria! diba? kung iboboto natin si chivit, edi wala ng oopose kay gloria! lahat ng gusto nya, may katulong nya si chavit, lahat ng klaseng pagpapayaman ni gloria na naisin nya matutulungan sya ni chavit! diba, at maaford pa ni gloria na pahabain pa ang buhay ng kanyang asawa! anyway side comment lang, di talaga ako maniniwalang mamatay agad si fg kasi sobrang sama nyang damo! it will take him more than that to kill him! also for gloria!
5. speaking of masamang damo, si chavit masama ring damo, kaya we dont have to worry na maiiwan nya ang gawain nya sa senado, hindi katulad ng mga kawawa at mabubuting sina raul roco, tsaka yung senate president na namatay, kasi they are so pure, kasi naman iniisip nila ang problema ng bayan madali silang na iistress, di nila gayahin sina chavit, batang bata pa din, walang stress eh! puro kasiyahan at pagpapayaman ang iniisip kaya humahaba ang buhay!
6. madami pang kabutihan si chavit, kaya iboto natin sya, so many to mention, basta lahat yun about money! and his love to his people(or to his self?) lasatly makakalikasan sya! biruin mo, naaford nyang mgkaroon ng malasaffaring garden where all his pet specialy his tiger(his pride) can run free? pero bakit kaya sya hindi man lang tumulong sa iba pang non government orgs na may layuning bantayan ang mga lugar sa pilipinas na endangerd na, bakit kaya sya may projects na quarrying??? any justifiable na mn ang mga quarrying projects nila kasi doon may kita, sa pagprotekta sa kalikasan wala ng pera gastos pa! pero sayang maraming klase ng hayp lalo na yung mgaganda ang hindi na makita ng mga magiging anank natin! any way, basta ang mahala iboto si chavit, kasi may garden sya!
may other 2 candidates are:
PROSPERO PICHAY!
diba on the name itself palang it implies na na dapat nating syang iboto! kasi we will prosper, rather himself and his family! pero anyway, kung sino man ang poprosper sya man o tayo, pero diba at least merong nagprosper! hahaha! tsaka diba napakasolid ng plataporma nya! pangarap nyang tuparin ang pangarap natin! yahoooo!!!! diba??? isa syang ginnie in a pangit hair! kaya dapat nating iboto! kahit sa iba pa nyang interview, madali mong makita ang laman ng kanyang nais at plataporma para sa bansa! ano yun? edi wala, ay meron pala, alagaan si maam arroyo! lahat naman ng interview sa kanya lagi nyang sagot ay laging pagdepend kay arroyo! anyway diba atleast wala nanamang magoopose kay arroyo...
and then...
MIKE DEFENSOR
ang pinakamagaling na magspeech na tao sa buong mundo at syempre pinakamatalino, pinakamagaling sa taga depend at kung naging lawyer to, malamang sya na ang takbuhan ng bayan...
biruin nyo ba naman, from the im sorry speech ni arroyo, which simply implies na may ginawang katarantaduahn and pandudugas si arroyo kasi nagsorry na nga sya eh, eh nagawa pa ni defensor na mabago ang ibig sabihin nito at gawin she is not guilty and she only says shes sorry for something else!
diba nakalusot si arroyo! ang galing ni defensor! ginagawa nya tayong matatalinong tao... yun na yon!!!
pero anyway! dyan na natatapos ang top 3 candidates ko, kaya please iboto natin sila! HAHAHAHA! (super sarcastic na tawa)pero take note, kahit nga pla HINDI NATIN SILA IBOTO MALAMANG MANALO SILA! KAHIT WALANG BUMOTO SA KANILA MALAMANG MAY MGA AREA PARIN NA PURO SILA ANG PANALO, kaya maging makabayan, magbantay!
tsaka gumawa na tayo ng listahan ng iboboto ngayon no, wag na on the spot kasi kawawa naman yung ibang boboto kasi matatalagan tayo! hehe! ingats to all! |