Nakalamon ng pasalubong from Ma'am Armildez galing
Baguio, Ma'am Santiago galing Vigan, at Ma'am Rivera galing Quezon.
Nakipaghabulan kay Ma'am San Pedro sa pagpapass ng
quizzes and projects.
Naglabas ng kayamanan para sa "kamay na bakal ni Robert" at "utak ni jason".
Kalahati ay lumaban sa cheering competition, at nagpagulong gulong sa lupa habang sinisigawan ni Cheerleader Yancee, habang kalahati naman ay naghihiyaw sa pagsuporta para sa "orange and black"
cheering squad na gumugulong sa lupa.
Pinatawag sa discipline's office.
Sumigaw ng "We got an L, we got an E, we got an O-P-A-R-D! Go LEOPARD LEOPARD LEOPARD!!".
Sumayaw ng "Chocolate" nung S-night.
Nag "victory party" kila Kristel at kinabukasan ay nasa discipline's office na naman.
May kaalaman sa ipinapahiwatig ng "ebs and flows", "melancholy", at "felicity".
Nabangag sa chemistry at trigo.
Nakarinig sa "sound of silence".
Nanahi ng short at polo sa manila paper at gumawa ng
sariling pajama na kaparehas ng tela ng seatmate nya.
Dumanas ng dusa at hirap dahil unpolished ang pin.
Humagulgol ng pagkalakas-lakas nung retreat. Pero lumamon din ng pagkarami-rami.
Minsang naging parokyano ni Jules at Emerson sa pagpapaxerox ng
coverage ng exam.
Minsang naging biktima ng karahasan este kaharutan ni Totep.
Minsang na-addict sa "Charap".
Natutong mamburaot.
Sa classroom gumagawa ng HOMEwork.
Minsan na ring tinangkang tumakas sa cleaners.
Palaging advance ang recess at uwian.
Nag standing ovation sa pagkahaba-habang valedictory address ni Patcholo.
Higit sa lahat, madaldal.
Kung naranasan mo ang at least sampu sa mga nabanggit, maghanda ka na ng frame dahil Certified Andres ka, gumawa ka na lang ng sarili mong certificate, ha?