Astigin.
   
  Andrew Astig
  Bali-balita
 
Oh, gusto mong malaman ang latest? Taralets! >>>Want to add your own news article? Go to Contact Admin and send your article.
Mini Reunion kila Jeffrey!
heysel on 06/08/2007 at 3:28pm (UTC)
 Uy andres, siguro naman maraming nakatanggap nung text ni Ria tungkol dun sa "Mini Reunion" natin kila Jeffrey sa Sunday, June 10, 4pm.

Anong balak nyo? Pumunta kayo anubah! hehe..

Minsan lang toh... Saka tagal na nating di nagkikita-kita ng buong section. Sige na, kahit sandali lang basta dumaan kayo, pwede na rin. Okie?... Ü

Kita kits ha! Patak-patak daw sa Sunday. Ü
 

Indelible ink, nabubura!
heysel on 05/14/2007 at 2:25pm (UTC)
 Hay naku.

Dun sa mga nakaboto kanina, na-try nyo bang linisin yung indelible ink sa daliri nyo? Gosh, nabubura siya kahit tubig at sabon lang.

Grabe naman kung ganun, di na ko magtataka kung mananalong senator si Pichay.

Tsk tsk.
 

Father Jay, namataan sa isang mall!
tagapamahala - original news by:heysel on 05/07/2007 at 3:09am (UTC)
 Note: This news was sent to the webmaster by: Hesyel


Andres! Wala lang! Gusto ko lang ibalita na nakita ko si Father Jay sa The Block kagabi (May 5, Saturday).

Ayun. Ok naman sya. Di ko sya nakausap eh. Biglaan kasi. Pero ok naman sya talaga. Huling balita ko kasi sa kanya nung retreat pa natin, nagkasakit daw sya di ba. Pero nung nakita ko sya, malusog naman.

Parang walang nagbago. Ayun. Nakakatuwa.

Yun lang. Ü
 

Niña, tumataba raw sabi ni Hazel!
unnamed on 03/14/2007 at 3:26am (UTC)
 Nakasalubong raw di umano nitong si Hazel si Niña a.k.a. Kyo sa isa sa mga gusali ng kanilang paaralan at kanya umanong napansin ang pagtaba ni Kyo.

Hindi raw makapaniwala si kyo sa sinabi nya, o baka naman ganun na talaga si Kyo dahil iyon pa lang naman ang unang pagkakataon na nagkita sila sa paaralan simula nang lumipat itong si Kyo. Hazel, baka nagulat ka lang.

Ngunit ganunpaman, isa lang ang masasabi ko:

Nako Kyo, mukang hiyang na hiyang ka dito ah! hihi
 

Dating Unlimitxt Rates ng Globe, Baka raw ibalik.
istokwa on 02/06/2007 at 9:44am (UTC)
 Kumakalat sa mga text messages ngayon na ibabalik raw diumano ng Globe ang kanilang dating Unlimitxt rates sa February 16, alas dose ng hatinggabi.

Magandang balita ito para sa mga subscribers dahil maraming nagrereklamo sa bago nilang rates na ayon sa Globe ay "mas pinasulit" pa raw ngunit ayon naman sa mga subscribers ay lalong nagmahal.

Ngunit huwag munang magdiwang mga Globe subscribers dahil ang impormasyong nakalap ay hindi pa sigurado kung sa Globe nga mismo nanggaling.
 

Maligayang Kaarawan!
tagapamahala on 02/05/2007 at 6:02am (UTC)
 
Buong puso naming ipinaaabot ang aming pagbati kina Binibining Charlene dela Cruz, Gerianne Enriquez, Nestle Ramos, at Yancee Nicdao para sa pagdiriwang ng kanilang mga kaarawan ngayong buwan ng Pebrero.


Pagbati mula sa mga loko-lokong Andres.


Kung may burthday celebrator pa jan for the month of February na hindi nabati, pasensya po at magreklamo naman kayo.

Yun lang po at maraming salamat.

Ü
 

<-Back

 1  2  3 Continue -> 
 
 
  Today, there have been 96 visitors (227 hits) on this page! © Andres 04-05™ All Rights Reserved. Syempre, Astig Kami eh!  
 
We Rule. We Rock. This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free